Dahil sa nararanasang sama ng panahon dala ng Low Pressure Area (LPA), sinuspende na ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic ang klase sa lahat ng antas ng paaralan sa bayan ng Odiongan mula alas-2 ngayong hapon, December 9.
Dahil parin sa pag-ulan, nalubog sa baha ngayong tanghali ang ilang bahagi ng M. Formelliza St. at ang JP Rizal St. sa Odiongan, Romblon matapos ang mahigit isang oras na pag-uulan dala ng though ng LPA.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, makakaranas ng cloudy weather na may pag-uulan at thunderstorm ang probinsya ngayong Biyernes, December 9.