Dumalo ang mga miyembro ng Organic Farmers, Producers, and Processors Association of Odiongan (ORFPPASO) sa isinagawang Coco Sugar Production Training kamakailan.
Dinaluhan ito ng 22 partisipante mula sa naturang organisasyon kung saan sumailalim sa oryentasyon ng proseso hinggil sa pangangalap ng coco sap at coco sugar production.
isinagawa ang aktibidad bilang paghahanda sa pagbubukas ng operasyon ng kanilang coco sugar enterprise.
Ang naturang organisasyon ay ang proponent group ng Odiongan Coco Sugar Processing subproject.
Bilang panimula ng organisasyon; pinagkalooban ito ng mga kagamitan at pasilidad na nagkakahalaga ng Php 8,540,414.67. Kabilang sa mga ito ay ang pagpapagawa ng processing facility, utility van, at mga kagamitan na kakailanganin sa produksyon ng coco sugar.


































