Sugatan ang isang lalaki sa Barangay Anahao sa Odiongan, Romblon matapos itong tagain ng kanyang kapatid noong ika-14 ng Nobyembre.
Batay sa spot report na pinadala ng Romblon Police Provincial Office sa Romblon News Network, alas-8:30 nang gabi nang magkainitan ang dalawa matapos ang kanilang inuman.
Ang biktimang si Freddie Fietro ay nagtamo ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos tagain ng kanyang kapatid na si Rogelio, 67, gamit ang isang bolo.
11:30 na ng maisugod sa ospital ang biktima ng mga rumespondeng tauhan ng Odiongan Municipal Police Station.
Ayon sa pulisya, 21 inches ang haba ng bolo na ginamit ng suspek. Sumuko naman ito sa pulis matapos ang ginawang krimen.