Tapos nang sementuhin ng lokal na pamahalaan ng San Agustin ang access road sa Barangay Carmen patungo sa Sitio Cabangahan.
Sa tulong ng proyekto, hindi na mahihirapang dumaan ang mga sasakyan at mga estudyante na galing sa Sitio papunta sa National High School sa lugar.
Ang nasabing road project ay pinondohan ng lokal na pamahalaan ng San Agustin ng mahigit sa P1.7 million mula sa kanilang 2022 Municipal Investment Plan.
Setyembre ngayong taon sinimulan ang proyekto ng Tablas Construction Corp. at natapos ngayon lamang buwan.