Ipinagdiwang noong Martes ang Children's Day Celebration ng mga batang may disability sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Sa ginanap na maikling programa sa Odiongan Covered Court, pinasalamatan ang mga ina ng mga bata na patuloy na umaalalay sa kanila sa kanilang paglaki.
Binigyan naman ang 64 na batang dumalo ng educational assistance.
Samantala, dumalo rin sa pagdiriwang ang 16 na PWD na nabigyan naman ng financial assistance para sa pagkakaroon ng prosthetic legs.
Ang Buwan ng Nobyembre ay ipinagdiriwang ang National Children's Month. May tema ito ngayong taon na “Kalusugan, Kaisipan at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan.”


























