Nagpaalala ang Odiongan Public Information Office sa publiko na mag-ingat sa mga ‘too good to be true’ investments na naglipana.
Ito ay kasunod ng may magreklamo sa opisina ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic na mga nabiktima ng investment scam.
Sa isang pahayag sinabi ng Odiongan PIO na huwang umano dapat maglabas ng capital o pera para sa mga investments na nangangako ng low risk, high reward na umaabot hanggang 30% pataas ang pwedeng kitain at babalik ang capital sa maiksing panahon.
“Pag-aralan muna ang investment. Kilalaning mabuti ang kausap. Hanapan ng mga legal na papeles. Wag agad magtitiwala kung ayaw mong pera ay mawala,” payo nila.
Sinabi rin ng Odiongan PIO na may mga natanggap rin silang iba pang report ng mga investment scams kamakailan.