Para mas mapataas ang bilang ng mga nagpapa-booster shot laban sa Covid-19, nagsasagawa na ng house to house Covid-19 vaccination ang mga frontline health workers sa bayan ng Looc, Romblon.
Noong September 19, tumungo ang mga medical frontliners ng Rural Health Unit ng Looc sa Sitio Along the Road 1 ng Barangay Punta para magbakuna sa mga senior citizen.
Ayon sa kanilang datus, aabot sa 22 na senior citizen ang nagpabakuna ng booster shot sa sitio. Matapos ang bakunahan, nakatanggap ang mga senior citizen ng food packs mula sa RHU Looc.