Sako-sakong basura ang nakolekta ng mga nakiisa sa clean-up drive sa Barangay Panique sa Odiongan, Romblon nitong September 14 kasabay ng pagobserba sa 59th Fish Conservation Week.
Ang clean-up drive ay inorganisa ng lokal na pamahalaan ng Odiongan katuwang ang Department of Agriculture's Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Nakiisa rin rito ang mga miyembro ng Bantay Dagat.
Layunin ng aktibidad na mapanatiling malinis ang mga dalampasigan at karagatan na tinitirhan ng mga isda, isa sa mga pangunahang produkto ng lalawigan.
Nakasentro sa mga aktibidad na ito sa isang mahalagang tema ngayong taon na: “Pagkain ng Bansa Siguruhin, Likas-Kayang Produksyon ng Isda Isulong Natin”.


























