Ininagurahan nitong September 5 ang bagong gusali ng San Agustin Municipal Fire Station sa bayan ng San Agustin, Romblon.
Pinangunahan ni Supt. Ramel B. Borja ang pagpapasinaya sa nasabing gusali kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng San Agustin.
Sa isang mensahe ni Mayor Denon Madrona, sinabi nito na nakausap ni Congressman Eleandro Madrona si DILG Secretary Benjamin C. Abalos, Jr., at sinabing ang bagong fire station ay lalagyan nila ng modern fire truck.
Sinabi rin ng DILG na ito umano ang pinakamalaking fire station sa buong probinsya ng Romblon.