Hindi na mamomroblema ang mga Romblomanon na nangangailan ng oxygen dahil meron ng magagamit na Medical Oxygen Generator sa probinsya.
Ito ang ibinahagi ni Romblon Provincial Hospital (RPH) administrator Mark Anthony Reyes nang makapanayam ng Romblon News Network.
Aniya, dumating na sa RPH ang binili ng probinsya na Medical Oxygen Generator kasama ang 100 bagong oxygen tanks.
Sa tulong nito, hindi na kakapusin ng supply ng oxygen tanks ang probinsya lalo na ang mga ospital na nangangailangan nito dahil hindi na dadalhin ng Batangas o Metro Manila ang mga tangke kundi sa RPH nalang ire-refill.
Ayon kay Reyes, may sasanayin na silang mga tauhan para gumamit ng nasabing Medical Oxygen Generator at inaasahang kaya nitong magpuno ng 50 tangke kada-araw.