Pormal nang binuksan ngayong Biyernes, August 5, ang service desk ng Government Service Insurance System (GSIS) sa loob ng Romblon State University – Main Campus sa Odiongan, Romblon.
Ito ay kasunod ng naganap na pirmahan ng kasunduan nina RSU President, Merian P. Catajay-Mani at GSIS Vice-President for South Luzon Office, Rachel T. Edjan, kaugnay sa pagbibigay ng pamantasan ng pasilidad para sa mga tauhan ng GSIS.
Sa tulong nito, mas mapapalapit na umano sa publiko ang mga serbisyo ng GSIS.
Ayon sa GSIS, ang RSU ay kinilala bilang Top 5 out of 51 Best Performing Agencies sa probinsya lalo na sa pag epektibong pagkolekta ng mga premiums at loans.
Kasama ng RSU rito ang DPWH Engineering District, Concepcion National High School, Mabini National High School, DAR, at San Agustin National High School.