Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na Drug-Cleared Barangay ang Long Beach sa San Agustin, Romblon nitong Lunes sa ginanap na flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan ng San Agustin.
Personal na inibaot ng mga opisiyal ng PDEA-Romblon at DILG-Romblon ang certificate sa Barangay Captain ng Long Beach na si Lovella Maestro ay kay San Agustin Mayor Denon Madrona.
Nagpapatunay umano ito na walang high value target ang PDEA sa lugar at walang namomonitor na presensya ng iligal na droga.
Sa isang mensahe, nagpasalamat si Mayor Madrona sa mga opisyal ng barangay at sa lahat ng nagtulong-tulong para maideklarang drug-cleared barangay ang lugar.