Binuksan na sa publiko ang bagong steel footbridge na matatagpuan sa Barangay Panique sa Odiongan, Romblon.
Ang nasabing tulay na may habang 33 meters ay magdudugtong sa mga residente ng Sitio Tabing-Ilog sa sentro ng barangay upang hindi mahirapan tumawid ng ilog kung sakaling mataas ang baha.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Odiongan, dati ay kawayan lamang ang hanging bridge pero pinagawan ng LGU Odiongan ng bakal na tulay mula sa kanilang 20% development fund.
Nagkakahalaga ang proyekto ng mahigit P2.5M.