Nagsagawa nitong July 13 ng feeding program at namigay ng foodpacks ang San Agustin Municipal Police Station sa Barangay Poblacion, San Agustin, Romblon katuwang ang National Police Commission at iba’t ibang pribadong organisasyon sa bayan.
Kabilang sa nakilahok ang mga tauhan ng National Police Commission MIMAROPA sa pamumuno ni Dir. Aileen Arcin.
Aabot sa 55 mga bata ang napakain nila ng libreng sopas at may aabot naman sa 30 pamilya ang nabigyan ng food packs.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng 27th PCR Month Celebration ng PNP na may temang ‘Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan’.