May bagong ambulansya ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Odiongan.
Ito ay binili ng lokal na pamahalaan bilang dagdag sa mga emergency vehicle ng pamahalaan na tiyak magagamit tuwing may trahedya, sakuna, at aksidente.
Binasbasan ang nasabing sasakyan sa unang flag raising ceremony ng mga nahalal na opisyal ng bayan na maglilingkod hanggang 2025.
Ang nasabing ambulansya ay binili rin bilang paghahanda sa pagkakaroon ng emergency response team sa North at South area ng bayan, isa sa mga nabanggit na proyekto ng LGU Odiongan ngayong huling termino ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic.