Idineklara na sa probinsya ng Occidental Mindoro ang dengue outbreak kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa probinsya.
Ayon sa talaan ng provincial health office, mula Jaunay 1 hanggang July 16, ay may naitala na ang probinsya na 1,126 na kaso ng dengue. Mas mataas ito ng mahigit 1,000% kumpara sa nakalipas na taon.
Sa bilang na ito, 7 na ang nasawi.
Ayon sa PHO, may 86 lamang na naitala na dengue cases sa parehong mga buwan noong nakaraang taon.
Nakapagtala ng pinakamataas na kaso ang bayan ng Sablayan, San Jose, Santa Cruz, Maburao, Calintaan, at Rizal.
Sa isang panayam, sinabi ni Dra. Ma. Teresa Tan, Provincial Health Officer, naglagay na ng mga dengue ward ang mga ospital sa probinsya.