Isang lalaki sa bayan ng Cajidiocan sa Sibuyan Island, Romblon ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police dahil sa ipinagbabawal na shabu.
Sa ulat ng PDEA Romblon na nakarating sa Romblon News Network, ang suspek na si Crisostomo Martinez ay nabilhan di umano ng aabot sa 3 gramo ng ipinagbabawal na droga.
Ang operasyon ay isinagawa sa bahagi ng Barangay Alibagon bandang alas-7:50 ng umaga ng July 6.
Sinabi rin sa initail report na maliban sa nabili ay nakuhaan rin di umano ang suspek ng aabot sa halos 5 gramo ng ipinagbabawal na droga sa kanyang posesyon.
May nakuha rin di umano sa suspek na mga drug paraphernalia.
Nakakulong na ngayon ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, 11 at 12 ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

































