Mariing tinututulan ng Sangguniang Bayan ng Cajidiocan ang iba’t ibang klase ng mining activities sa kanilang munisipyo.
Ito ang laman ng isang resolusyong ipinasa ng Sangguniang Bayan noong July 15.
Kabilang sa kanilang tinututulan ang exploration, feasibility study, development, utilization at processing ng mineral resources sa kanilang bayan.
Paliwanag ng Sanggunian, sariwa pa sa kanilang isip ang mga nangyaring destruksyon sa kalikasan ng iba’t ibang mining firms kahit naipasa na ang Mining Act ng 1995.
Isa sa kanilang hinalimbawa ang nangyaring insidente sa Boac River noong March 1996 kung saan maraming naapektuhan sa pagkalat ng toxic mine tailings.
Kulang rin umano ang mga government personnel na may technical expertise para bantayan ang nasabing minig operations.
“the taxes that will be paid by these large scale mining corporations could not compensate to the destruction that they will bring to Sibuyan Island, particularly in this Municipality,” ayon sa resolusyon.
Unanimously approved ang nasabing resolusyon.