Inilunsad noong Martes ang bagong Tech4Ed Center o Technology for Education, Employment, Entrepreneurs, and Economic Development center sa bayan ng Odiongan na matatagpuan sa Odiongan Learning Community Hub Center.
Ang paglulunsad ay dinauhan nina Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic kasama si DICT Regional Director, Cheryl Ortega at Tech4Ed Project Coordinator, Ouidyn Penuliar.
Ayon kay Penuliar, layunin ng pasilidad na mas mapalawak ang pagbibigay ng tulong sa mga Romblomanong nangangailangan ng serbisyo ukol sa teknolohiya o mga aktibidad na kinakailangan ng kompyuter.
Sa nasabing launching, nagkaroon ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement ang Odiongan LGU at DICT para sa nasabing center.