Gumagana at umaandar na ang Material Recovery Facility ng bayan ng San Agustin, ito ang inanunsyo ni Mayor Denon Madrona noong Lunes sa ginanap na flag raising ceremony sa munispyo.
Kamakailan ay binisita niya ang Material Recovery Facility na ito kasama ang Solid Waste management team ng munisipyo.
Sa nasabing MRF, ang mga basura ay pwedeng gawing kapakinabang kagaya ng paggawa ng arm chairs, hallow blocks, at bricks.
Sinabi ni Madrona na mas mainam na sa mga MRF dinadala ang mga basura para mapakinabangan sa halip na itinatapon lang sa kung saan-saan.