Naging tagapagsalita ngayong araw sa ginanap na training ng mga Municipal Links at Project Development Officers ng Pantawid Pamilya sa lalawigan ng Romblon ang opisina ng Philippine Information Agency – Romblon.
Ibinahagi ni Paul Jaysent Fos, OIC ng PIA Romblon, ang mga social media strategy na magagamit ng mga municipal links para sa mas lumawak ang marating ng kanilang mga programa.
Kabilang sa mga ibinahagi ni Fos ang pagkakaroon ng maayos at timely posts sa kanilang mga social media pages.
Pinayuhan rin ni Fos ang mga municipal links na makipagugnayan sa mga nakakasakop sa kanilang LGUs para sa posibleng partnership para sa mas malawak na venue para sakanilang mga Family Development Session (FDS).
Batay sa datus ng DSWD, may aabot sa 850 hanggang 1,500 na pamamahay ang hawak ng isang municipal links sa probinsya at malaking tulong ang pagkakaroo ngn iba’t ibang venue para sa kanilang FDS para mas mabilis maabot nila ang mga benepisyaryo.