Uupo bilang interim president ng Philippine Councilors League – Romblon chapter si Calatrava SB member Elmer Fortu.
Siya ang papalit sa kasalukuyang President ng PCL Romblon na si Atty Greggy Ramos matapos bumaba sa pwesto kasunod ng pagkapanalo niya bilang alkalde ng bayan ng Cajidiocan at uupo sa June 30.
Ginanap ang pagpapalit ng bagong pamunuan sa End Termer Assembly sa H20 Hotel sa Manila.
Naging highlight rin ng nasabing pagtitipon ang pagbibigay pugay sa mga konsehal na nakatapos ng kanilang 3 termino o 9 years bilang konsehal sa kani-kanilang mga bayan.
Nakatanggap sila ng mga award at cash gift mula sa grupo.