Nanumpa na ngayong araw, Hunyo 30, ang mga nahalal na opisyal ng lalawigan ng Romblon na magsisilbi para sa susunod na tatlong taon.
Pinangunahan ito ni Governor Jose Riano kasama sina Vice Governor Arming Gutierrez, at Congressman Eleandro Madrona.
Nanumpa na rin ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na binubuo nina Jun Bernardo, Nene Solis, Rachel Bañares, Guds Mortel, Jojo Beltran, Doc Boy Maravilla, Fred Dorado, at DJ Bing Solis.
Kasabay nila ay nanumpa rin ang mga nahalal na pinuno sa mga bayan ng Alcantara, Banton, Cajidiocan, Calatrava, Corcuera, Ferrol, Looc, Magdiwang, San Agustin, San Andres, San Fernando, San Jose, Santa Fe, Santa Maria at Romblon.
Ang seremonya ay dinaluhan ng mga Department Heads ng Prov’l Gov’t, mga representante mula sa iba’t ibang national gov’t agency, uniformed personnel, at mga pamilya ng mga kasalukuyan at bagong halal na opisyal.