Umabot na sa 147 ang reported cases ng hand-foot-and-mouth disease (HFMD) sa lalawigan ng Romblon mula March 22 hanggang June 18 ngayong taon.
Ito ay batay sa reported data mula sa Regional Epidemiology and Surveillance Unit.
Ayon kay Dr. Cristy Andaya, Medical Office III ng DOH – CHD Mimaropa, ang HFMD ay characterized ng soar sa bibig, at rashes sa kamay at paa.
Para magamot ito, sinabi ni Dr. Andaya na kung may mild symptoms kagaya ng lagnat at hydration ay kailangan lamang gamutan kagaya ng paginum ng paracetamol, tubig, at pagpapahinga.
Kung may severe symptoms naman kagaya ng pagkakaroon ng epekto sa respiratory system, kailangan silang dalhin sa ospital.
Para naman maiwasan ang nasabing sakit, kailangan lamang ng good hygiene, malinis na mga laruan, proper waste disposal, at kung may sintomas na maaring magpatingin sa doctor.