Ginunita noong Lunes ang ika-14 na taong anibersaryo ng malagim na trahedya ng MV Princess Princess of the Stars ng Sulpicio Lines sa karagatang sakop ng San Fernando, Romblon.
Pinangunahan ng Pamahalaang Lokal ng San Fernando ang ginawang pag-aalala sa trahedya sa pamamagitan ng ginawang misa sa dalampasigan ng bayan.
Ayon kay Mayor Salem Tansingo, dalawang taong nahinto ang aktibidad sa bayan sa pag-alala sa sa trahedya dahil sa pandemya kaya binabalik nila ito ngayong taon.
Maalalang June 21, 2008 nang lumubog ang MV Princess of the Stars na patungo sanang Cebu mula Manila, dahil sa bagyong Frank. Aabot sa 814 ang mga nasawi rito kasama ang mga hanggang ngayon ay nawawala parin. (PJF)