Ginunita ng iba’t ibang munisipyo sa probinsya ng Romblon ang ika-124 na Araw ng Kalayaan ng bansa.
Sa Odiongan, nagsama-sama kaninang umaga ang iba’t ibang government offices sa bayan para sa selebrasyon ng 124th Independence Day ng Pilipinas.
Ginanap ang programa sa Odiongan Children’s Park and Paradise kung saan matatagpuan ang rebulto ni Gat Jose Rizal.
Pinangunahan ang programa ng lokal na pamahalaan ng Odiongan at ng Odiongan Municipal Police Station.
Sa isang mensahe ni Odiongan acting mayor Diven Dimaala, pinasalamatan nito ang mga makabagong mga bayani na patuloy na lumalaban para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng bansa.
May pareho ring pagtitipon sa mga bayan ng Romblon, Alcantara at San Andres kung saan nagkaroon ng flag raising ceremony at nag-alay ng bulaklak para sa mga bayani ng Pilipinas.