Naaresto noong May 7 ng mga tauhan ng mga kapulisan sa bayan ng San Fernando, Romblon ang itinuturing ng PNP na top most wanted person ng probinsya ng Romblon.
Ang suspek na kinilalang si Eddie Reaño Mangao, 53, ay naaresto ng mga pinagsamang pwersa ng San Fernando Municipal Police Station, Romblon Provincial Intelligence Unit, at Regional Intelligence Unit 4B.
Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 106 dahil sa two counts ng statutory rape.
Walang piyansang inirekomenda sa pansamantalang kalayaan ni Mangao.
Sa isang pahayag, pinuri ni Police Brigadier General Sidney Hernia ang pagkakahuli sa Top 1 most wanted person ng lalawigan.
Aniya, ang accomplishment na ito ay nagpapatunay lamang umano na tapat ang mga kapulisan sa kanilang tungkuling hulihin ang mga wanted ng batas.