Bagama’t nanalo sa buong probinsya ng Romblon si Presidential frontrunner Ferdinand Marcos Jr., may tatlong bayan sa probinsya ang sinuportahan ang kandidatura ni incumbent Vice President Leni Robredo.
Batay sa election returns na pinadala sa transparency server ng Comelec, ang mga bayan ng Banton, San Jose at ang Odiongan ay nanatiling kakampink.
Sa San Jose, nanalo si Robredo ng mahigit 668 votes laban kay Marcos Jr. habang 359 naman ang lamang ni Robredo sa Banton.
Sa Odiongan kung saan inindorso siya ni Mayor Trina Firmalo-Fabic ay nakakuha si Robredo ng 11,916 votes kontra sa 11,197 votes ni Marcos Jr.
Sa buong lalawigan, si Marcos Jr. ay nakakuha ng 71,127 votes habang si Robredo ay 65,142.
Si Davao City Mayor Sara Duterte naman ang nanalo sa Romblon matapos makakuha ng 63,684 votes rito, sinundan ni Sen. Tito Sotto na may 52,100 votes at Sen. Kiko Pangilinan na may 35,550 votes.