“I’m in very good shape and I’m very healthy.”
Ito ang naging pahayag ng alkalde ng bayan ng Odiongan na si Trina Firmalo-Fabic matapos mapansin ng iilan na malaki ang kanyang ipinayat nitong nakaraang mga buwan.
Sa isang press conference na ginanap sa Barangay Mayha ngayong April 8, sinagot ng alkalde ang matagal ng katanungan ng karamihan kung bakit ito pumayat.
Aniya, ‘conscious effort’ ito para manatili siyang malusog.
“Okay naman po. Clear naman lahat ng lab test, clear naman lahat. Conscious effort rin ‘yun to remain healthy, alam natin na tumatanda na tayo,” pahayag ng alkalde.
“Makikita niyo naman sa mga old pictures na ganun naman na ‘yung weight ko dati, may part lang tumaba, pero ngayon, I’m back in shape. I think, I will maintain this. No Big Deal!” dagdag pa niya.
Sinisiguro rin ng alkalde na wala siyang nararamdamang iba, aniya, nakikita naman ng tao na araw-araw umano silang umiikot sa mga barangay.
“So sa mga gusto na umakyat kami ng bundok ng sabay, Game,” hamon nito.
Tingin rin ng alkalde, wala umanong maibato sa kanyang issue pagdating sa pamamalakad sa bayan ng Odiongan, kaya maging ang kanyang pagpayat ay binabato sa kanya.