Kumpirmado na ang attendance ng grupo ni incumbent Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic at incumbent Vice Mayor Diven Dimaala sa gaganaping Local Candidates Forum sa Odiongan Public Plaza bukas, April 9, Araw ng Kagitingan.
Sa isang press conference ngayong araw, sinabi ng alkalde na napag-usapan na ng kanilang grupo ang attendance nila sa nasabing forum.
“Nag-usap po kami kanina, so we all be attending the forum,” ayon sa alkalde.
Sa Barangay Mayha nanuyo ngayong araw ang grupo ng alkalde.
Kumpirmado na rin ang attendance ng mga independent candidates na tumatakbo sa pagka-konsehal ng bayan.
Samantala, hindi pa nagkukumpirma na dadalo ang grupo nina mayoral aspirant, SB Butchoy Arevalo, at tandem nito na si SB Chow Chua.
Sinusubukang kontakin ng Romblon News Network si SB Arevalo ngunit hindi nito sinasagot ang aming mga tawag.