Nagsagawa ngayong araw ng Oplan Linis Piitan ang mga tropa ng gobyerno sa loob ng Odiongan District Jail sa Odiongan, Romblon.
Ayon kay Jail Senior Inspector Roberto Benzon, Jail Warden ng ODJ, regular ang ginagawa nilang Oplan Linis Piitan o Greyhound Operation upang masiguro na walang mga naipupuslit na iligal na droga at mga pinagbabawal na gamit sa loob ng presuhan.
Katuwang ng Bureau Of Jail Management And Penology sa operation na ito ang Odiongan Municipal Police Station, Progreso Este Detachment Delta Coy, at Criminal Investigation and Detection Group Romblon.
Sa huli, walang nakuha na mga ipinagbabawal na gamit sa mga selda ng mga nakapiit rito.