• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Saturday, October 24, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Sun
29 ° Mon
29 ° Tue
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Ika-82 anibersaryo ng Battle of Sibuyan Sea, ginunita sa Alcantara

    Ika-82 anibersaryo ng Battle of Sibuyan Sea, ginunita sa Alcantara

    Dagdag na seguridad laban sa ilegal na pagmimina sa Sibuyan, hiniling ng SP Romblon

    Dagdag na seguridad laban sa ilegal na pagmimina sa Sibuyan, hiniling ng SP Romblon

    Gaytano, isinusulong ang pangangalaga sa kalikasan sa Looc

    Gaytano, isinusulong ang pangangalaga sa kalikasan sa Looc

    PBBM, hinimok mga LGU na ipagpatuloy ang paglikha ng makabagong solusyon para sa komunidad

    PBBM, hinimok mga LGU na ipagpatuloy ang paglikha ng makabagong solusyon para sa komunidad

    DILG MIMAROPA, nilinaw ang pagpaparada ng mga sasakyan sa parking area ng PEGASUS

    DILG MIMAROPA, nilinaw ang pagpaparada ng mga sasakyan sa parking area ng PEGASUS

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    1.93 Milyong pasahero, inaasahang daraan sa mga pantalan ngayong UNDAS

    Hontiveros sa AICS: Hindi dapat palakasan

    Hontiveros sa AICS: Hindi dapat palakasan

    DILG: P50M pabuya para sa makakapagturo kay Sen. Bato

    DILG: P50M pabuya para sa makakapagturo kay Sen. Bato

    Dela Cruz, hinimok ang mga pulis sa Romblon na panatilihin ang propesyonalismo

    Dela Cruz, hinimok ang mga pulis sa Romblon na panatilihin ang propesyonalismo

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Sun
29 ° Mon
29 ° Tue
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Politics Election 2022

Bilang budget warrior, Ping hindi titigil sa paghahanap ng pondo para sa libreng kolehiyo

Romblon NewsbyRomblon News
April 13, 2022
in Election 2022, Politics
Reading Time: 13 mins read
5
0
Bilang budget warrior, Ping hindi titigil sa paghahanap ng pondo para sa libreng kolehiyo
Share on FacebookShare on Twitter

Lahat ng mga estudyanteng Pilipino ay siguradong magkakaroon ng pagkakataon na umunlad at magbago sa ilalim ng pamumuno ng lider na tulad ni presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson na mahigpit na nagbabantay sa kaban ng bayan.

Ito ang inilahad ni Lacson nang makapanayam siya sa ‘Kapihan ng Samahang Plaridel’ media forum, nitong Lunes, kasabay ng pagbabahagi ng kanyang mga plano sakaling mahalal bilang susunod na pangulo na mamumuno sa ehekutibong sangay ng gobyerno.

Sa kanyang pakikipag-usap sa forum host na si Jullie Yap Daza, muling ibinalita ni Lacson ang mga naging benepisyo ng pakikipaglaban niya para sa maayos na paggasta sa pambansang budget. Aniya, batay sa pagtataya ng kanyang staff ay umabot na sa mahigit P300-bilyong pondo ng pamahalaan ang natipid dahil pa lang sa patanggi niya sa alokasyon ng pork barrel.

Nakilala si Lacson bilang protektor ng pambansang budget sa Senado dahil sa paghahanap niya ng pondo mula sa mga ahensya ng pamahalaan na hindi naman ito lubusang nagagamit at dinadala patungo sa iba pang programa ng gobyerno.

Ikinuwento ni Lacson sa nasabing forum na ganito ang kanyang ginawa noong ika-17 Kongreso nang ipasa nila ang Batas Republika 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na nagbigay ng pagkakataon sa lahat ng mga Pilipino na makapag-aral sa kolehiyo sa pribado man o pampublikong eskwelahan.

“Merong bill noon na pending na Free Tertiary Education. Pondohan na natin. So, napilitan ngayon… Naipasa namin because merong initial na funding—P8.3 [billion]. Those are some of the… That’s just one of the many parang benefits na na-derive sa pag-scrutinize ng budget,” sabi ni Lacson.

Ang P8.3-bilyong pondo na kanyang tinutukoy ay nanggaling sa orihinal na budget ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na isiningit sa alokasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Napansin ni Lacson na hindi ito naaayon sa batas kaya naisip niyang ilipat ito sa ibang proyekto.

Imbes na masayang o maabuso ang nasabing pondo, iminungkahi ni Lacson na gamitin ang perang ito para maipatupad ang RA 10931. Suportado ito ng kanyang ka-tandem na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, na majority floor leader nang panahong ‘yon, kaya naipasa nila ang nasabing batas.

Sa kanilang naging pagbisita sa Bogo City, Cebu noong nakaraang linggo, sinabi ni Lacson na handa siyang magkaroon ng mga pagbabago sa budget upang matugunan ang hiling ng ilang lokal na pamahalaan sa lalawigan para palawigin ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST).

Ang UniFAST ay kaakibat na ahensya ng Commission on Higher Education (CHED) na binuo para mangangasiwa ng lahat ng paraan para maipatupad ang iba't ibang mga programa ng gobyerno na naglalayong bigyan ng tulong pinansyal ang mga estudyante na nasa kolehiyo.

Ayon kay Bogo City Mayor Carlo Jose Martinez, ang implementasyon ng programang ito sa Cebu ay limitado lamang sa kasalukuyan at nararamdaman lang sa piling mga kolehiyo sa mga lungsod ng lalawigan.

Isang residente mula sa San Remigio—isang third-class municipality sa Cebu—ang nagtanong kay Lacson kung posible ba umanong mapalawig ang UniFAST program sa kanilang bayan. Tugon ng presidential candidate, mahigpit niyang pag-aaralan ang hiling na ito upang matingnan kung posible pang mabago ang kasalukuyang polisiya.

“As a matter of policy, mayroong mga limitations, but we can make adjustments. ‘Yon ang beauty ng dialogue like this because we learn from you. Because we didn't know this—na hindi pala umaabot ‘yung ganoon, merong hindi nakakarating because of restrictions,” sabi ni Lacson.

Related Posts

VP Sara Duterte, inanunsyo ang pagtakbo sa pagkapangulo sa susunod na halalan

VP Sara Duterte, inanunsyo ang pagtakbo sa pagkapangulo sa susunod na halalan

February 19, 2026
U_Spy: Palakasan ng “kahol” sa Speakership!

Akbayan Reform Bloc naghain ng komprehensibong batas laban sa Political Dynasty sa Kamara

November 14, 2025

Popular Stories

  • HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

    HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

    1728 shares
    Share 691 Tweet 432
  • Most Wanted sa Batangas, arestado sa Looc, Romblon dahil sa kasong rape

    261 shares
    Share 104 Tweet 65
  • 16 College grads sa Looc, tumanggap ng ₱2,000 educational assistance

    32 shares
    Share 13 Tweet 8
  • DILG: P50M pabuya para sa makakapagturo kay Sen. Bato

    30 shares
    Share 12 Tweet 8
  • Anim na mangingisda, arestado dahil sa paggamit ng compressor

    24 shares
    Share 10 Tweet 6
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

50 hydroponics kits, ipinamahagi ng DA sa mga estudyante ng RSU

Looc Public Market, kinilalang Most Consumer-Friendly palengke sa MIMAROPA

Hackathon ng DOST Romblon, target makatulong sa inobasyon ng Romblon sa S&T

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up