Pinulong ngayong Martes ni Mayor Lisette Arboleda ng Looc, Romblon ang mga Bantay Dagat sa bayan bilang paghahanda sa pagdating ng mga bakasyunista sa lugar ngayong nasa Alert Level 1 na ang lalawigan.
Ang mga Bantay Dagat na ito ang siyang nangangasiwa sa sikat na pasyalan sa dagat ng bayan kagaya ng Looc Marine Refuge and Sanctuary at Puro Marine Sanctuary sa Barangay Buenavista.
Pinag-usapan at sinulusyunan din ang mga iba pang mga pangangailangan para lalo pang mapabuti ang serbisyo hindi lamang sa mga turista kundi sa pagsiguro sa pagbabantay ng Municipal waters at pagsugpo sa mga illegal fishing at poaching.
Sinabi ng alkalde na mas lalo pa nilang paiigtingin ang kampanya laban sa mga illegal na pangingisda sa dagat sakop ng bayan at siguraduhing ang interes at kapakanan ng mga Loocnong mangingisda ang prayoridad.