Inanunsyo ng SUWECO Tablas Energy Corporation (STEC) na magkakaroon ng malawakang brownout sa Tablas Island, Romblon sa darating na March 26 at 27 mula alas-4 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon dahil sa malakihang gawain sa kanilang planta.
Ito ay ang pagpapalit ng mga makina sa STEC bilang paghahanda ngayong summer kung saan inaasahan ang biglaang pagtaas ng pag gamit ng kuryente dahil sa nararanasang init ng panahon, pagdiriwang ng mga kapyestahan ng mga bayan at barangay at ang papalapit na eleksyon na inaasahang daragsa ang maraming tao galing sa iba-ibang lugar.