Namigay ng P500 cash assistance o fuel subsidy ang lokal na pamahalaan ng Odiongan sa lahat ng miyembro ng mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa bayan na may prangkisa.
Ito ay kasunod ng pag-aruba ng Sangguniang Bayan sa kahilingan ni Mayor Trina Firmalo-Fabic na mabigyan ng tulong ang mga miyembro ng TODA na apektado nang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasulina.
Kabilang sa mga nabigyan ay ang mga may miyembro ng TODA na may prangkisa mula 2019 hanggang 2022.
Sa datus ng Municipal Council’s Transportation Committee noong 2017, may aabot na sa mahigit isang libong tricycle o tribike ang lehitimong may prangkisa sa buong bayan ng Odiongan.