Pormal nang pinasinayaan kamakailan ang dalawang bagong silid-aralan sa Mayha National High School na ipinatayo ng Filipino Chinese Chamber of Commerce Inc.
Pinangunahan ng mga opisyal ng Fil-Chi ang pagpapasinaya kasama ang lokal na pamahalaan ng Odiongan.
Ang dalawang bagong gusali ay donasyon ng Fil-Chi sa Odiogan matapos manalo ang alkalde ng bayan sa Barrio School Christmas Raffle noong nakaraang taon.
Malaking bagay ito sa mga estudyante ng nasabing paaralan lalo na at inaasahang magsisimula na ang implementasyon ng Face to Face classes sa susunod na mga buwan.