Dead on arrival sa Romblon Provincial Hospital ang isang lalaking nasaksak ng kutsilyo noong March 2 sa Barangay Batiano, Odiongan, Romblon.
Ang biktima ay kinilalang si Allan Mangat.
Sa police report ng Odiongan Municipal Police Station na nakarating sa Romblon Police Provincial Office, ang biktima ay nakikipag-inuman sa mga katrabaho dahil birthday umano ng kasama nila.
Habang nag-iinuman, nagkaroon ng pagtatalo sina Mangat at ang kasama nitong si Marcelo Lamboson Jr. Ilang sandali, pumunta sa baracks si Mangat at kumuha nang kutsilyo at nagtangkang saksakin si Lamboson Jr., ngunit nakailag ang huli hanggang sa nagkaroo ng kaguluhan.
Nakita nang kapatid ni Marcelo na si Mildred ang pangyayari, dahilan upang ito ay tumulong hanggang sa makuha niya ang kutsilyo ni Mangat at naisaksak rin sa biktima.
Hindi na umabot ng ospital si Mangat at idineklara ring dead on arrival ng Doctor.
Ayon sa pulisya, nakuha nila sa crime scene ang bladed weapon na tinatayang may 11.5 inches na habang kutsilyo. Inihahanda na ang kasong homicide ng pulisya laban kay Mildren Lamboson Jr.