Nakiisa ngayong araw sa First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill para sa taong 2022 ang iba’t ibang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa probinsya.
Sa bayan ng Looc, ginanap ang drill sa Jose M. Solis Elementary School sa Barangay Camandag kung saan nakiisa sa drill ang mga barangay officials, mga mag-aaral, mga guro, at mga miyembro ng MDRRMC.
Maliban sa earthquake drill kung saan muling tinuruan ng dock-cover-and-hold ang mga bata, nagkaroon rin ng fire drill para naman ituro sa kanila ang mga dapat gawin kung sakaling may sunog.
Ang buwan ng Marso ay inoobserba ang Fire Prevention Month.