Suportado ng gobernador ng lalawigan ng Romblon ang kandidatura nina presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte.
Ito ang kinumpirma ni Governor Jose Riano nang makausap ng Romblon News Network nitong Huwebes, February 17.
Kasunod ito nang ulat na nakipagpulong kay Marcos Jr. ang gobernador kasama sina Masbate Governor Antonio Kho, Southern Leyte Governor Damian Mercado, Biliran Governor Rogelio J. Espina, Catanduanes Governor Joseph Cua, Northen Samar Governor Jose Ong Jr., Camarines Norte Governor Edgar Tallado at Samar Governor Sharee Ann Tan sa Ninoy Aquino International Airport.
“Final na yan, susuportahan namin si BBM at SARA,” laman ng viber message ng gobernador sa RNN.
Batay sa datus ng Commission on Elections (Comelec), may aabot sa 206,119 katao ang rehistratadong botante sa probinsya ng Romblon na pwedeng makapagboto sa darating na Halalan ngayong 2022.