Sa kulungan ang diretso ng tatlong naaresto ng Santa Fe Municipal Police Station dahil sa iligal na pagtutupada sa Sitio Guba, Brgy. Guinbirayan bayan ng Santa Fe.
Ang tatlo ay naaresto hapon ng Linggo, January 16, matapos makatanggap ng tip ang kapulisan mula sa isang concernez citizen.
Nakuha sa tatlo ang ilang gaffing paraphernalia, sharpening stones, 2 manok panabong at bet money.
ADVERTISEMENT
Ang tatlo ay dinala sa Santa Fe MPS at mahaharap sa paglabag sa Presidential Decree 1602.