Sa bayan ng Alcantara ay nagsmula na rin ang Supplemental Feeding Program nila para sa mga estudyanteng nag-aaral sa kanilang mga day care centers.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Alcantara, ang MSDWDO at ang mga Child Development Workers ng bayan ay namahagi na ng mga food packs sa mga guardians ng mga bata.
Ito ay dagdag contribution sa nutrisyon ng mga batang mag-aaral.
Bahagi rin umano ito ng Early Childhood Care and Development program ng gobyerno.
Maalalang, nauna nang naiulat ang pagsisimula ng SFP sa bayan ng Romblon, Romblon noong Lunes. (PJF)