Nakatanggap kamakailan ang Odiongan Municipal Police Station ng mga search and rescue equipments mula sa lokal na pamahalaan ng Odiongan sa pamamagitan ng Odiongan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ang nasabing mga kagamitan ay nagkakahalaga ng aabot sa P100,000 at pinondohan gamit ang DRRM fund ng bayan.
Ayon kay Major Gemmie Mallen ng Odiongan Municipal Police Station, malaking bagay ang mga kagamitan na ito lalo na sa pagtulong nila sa MDRRM Office tuwing may mga emergency at sakuna katulad ng bagyo at lindol.
Nagpasalamat rin siya sa lokal na pamahalaan ng Odiongan sa patuloy na pagbibigay ng mga kagamitan nila na magagamit nila sa paggawa ng kanilang tungkulin sa bayan.


































