Binuksan na kahapon, December 6, ang Philsys Registration Center na matatagpuan sa lumang Municipal Hall ng bayan ng Looc, Romblon.
Ang nasabing Philsys Registration Center ay magiging lugar para puntahan ng publiko para sa Philippine Identification System STEP 2 kung saan kukunan sila ng litrato, fingerprint at iris scan para sa kanilang National ID.
Pormal itong binuksan kahapon ng mga opisyal ng Philippine Statistic Authority at ng Looc LGU.
Mismong si Looc Mayor Lissete Arboleda ang nanguna sa pagpapatala sa STEP 2 ng Philsys Registration kahapon.
Ayon sa PSA, maaring makipag-ugnayan sa Barangay para makapagpa-skedyul o di kaya ay pumunta sa website ng PSA para sa online appointment.
Magiging bukas ito tuwing weekdays mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.