Sugatan sa pamamaril ang isang residente ng Poblacion, San Agustin, Romblon matapos itong di umano’y mabaril nitong gabi ng Araw ng Pasko.
Kinilala ang biktimang si Nexequelle Ian Muñosco Navarette, 45, habang ang suspek ay si Ramon Gadon Navarette, 72.
Ayon sa ulat ng San Agustin Municipal Police Station, ginamit di umano ng suspek ang isang cal. 45 na pistol sa pamamaril.
Nakainum umano ang suspek nang mangyari ang insidente.
Isinugod sa Tablas Island District Hospital ang biktima matapos magtamo ng sugat sa tainga at marka sa batok.
Samantalang, naaresto ng San Agustin MPS ang suspek matapos ang follow-operations.