Dahil sa banta ng bagyong Odette, sinuspende ni Governor Jose Riano ang pasok sa mga opisina ng gobyerno mula tanghali ngayong December 16 hanggang bukas, December 17.
Kasama rin sa suspendido ang pasok ay ang lahat ng antas ng paaralan sa buong lalawigan.
Samantala, mananatiling bukas anman ang mga departamento at government agencies na kailangang maghatid ng basic at health services lalo na ang bahagi ng disaster response.
Inatasan rin ng Gobernador ang mga lokal na pamahalaan na tukuyin ang mga delikadong lugar sa bagyo, at magpatupad ng preemptive evacuation kung kinakailangan.