Balik normal operasyon na simula ngayong Deember 18 ang biyahe ng mga pampasaherong barko sa papasok at palabas ng Romblon.
Ito ay matapos tanggalin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang tropical cyclone wind signal sa buong lalawigan, kasabay ng paglayo sa kalupaan ng bansa ng bagyong Odette.
Nauna ng nag-anunsyo ang KHO Shipping Lines na balik-operasyon na ang kanilang Masbate-Sibuyan-Batangas route at pabalik.
Balik normal na rin ang biyahe ng mga barko ng Montenegro Shipping Lines mula Batangas patungong Odiongan at Romblon, at pabalik.