Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Looc na kanila ng tinanggal ang liquor ban sa kanilang bayan.
Ito ay kasunod ng pagluluwag sa mga restrictions sa lugar para sa mga fully-vaccinated na indibidwal.
Bagama’t wala ng liquor ban, hindi parin pwede ang uminum sa labas ng mga bahay at magiging limitado lamang ang bilang ng mga mag-iinuman dahil bawal parin ang mass gathering lalo na kung sa maliit umanong lugar.
Nagpaalala rin ang lokal na pamahalaan na meron paring curfew at ito ay magsisimula ng alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng amdaling araw.