Sa ospital ang diretso ng dalawang rider sa Alcantara, Romblon matapos silang maaksidente nitong Huwebes ng gabi sa Barangay San Isidro.
Ayon sa Alcantara Municipal Police STation, nawalan umano ng kontrol sa motorsiklo ang rider na si John Patrick Galicia, 31, dahilan upang masalpok nito ang kasalubong niyang rider na si Ravel Barientos Candolita, 43, technician ng GMA 7 tower.
Dahil dito, natumba ang dalawa sa kalsada dahilan upang magkaroon sila ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad silang isinugod sa Don Modesto Formilleza Sr. Memorial Hospital.
Patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa aksidente.