Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng dalawang mahinang pagyanig ng lupa sa bayan ng Banton, Romblon umaga ng November 24.
Ang una ay isang magnitude 2.9 na naitala sa layong 14km NW ng isla bandang 7:02 ng umaga.
ADVERTISEMENT
Ang pangalawa naman ay isang magnitude 1.6 na naitala sa layong 13km NW ng parehong bayan.
Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang damages ang nasabing lindol at wala ring inaasahang aftershock.