Nagsimula na sa Basic Citizen Military Training (BCMT) sa Odiongan, Romblon ang aabot sa 110 kabataan na nagmula pa sa iba’t ibang probinsya ng Mimaropa.
Miyerkules, November 17, nang magsimula ang kanilang pagsasanay na sinaksihan mismo ni Maj. Gen. Fernando V. Felipe, commanding officer ng Army Reservist Command (ARESCOM) at ni Romblon Governor Jose Riano.
Ang mga kabataan na ito, kung makapasa sa pagsasanay, ay magiging miyembro ng reservist na magiging katuwang ng pamahalaan sa pagsugpo sa insurgency sa rehiyon.
Ilan sa mga pagdadaanan ng mga estudyante, na bahagi ng BCMT “Bagwis” Class 03-2021, ay ang basic soldiery, relief operation, at rescue operation.
Ang nabanggit na mga kabataan ay ang kauna-unahang grupo na nagsagawa ng ganitong pagsasanay sa lalawigan.